BPO oks na pasukin ng mga nars — Dole

NANINIWALA ang Departmert of Labor and Employment (DOLE) na hindi masama para sa mga nars na pumasok sa alternatibong trabaho partikular na sa sector ng business processing outsource (BPO).

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, hindi nila hinihimok ang mga nurse na maging call center agents, kundi, inaabisuhan lamang ang mga ito na subukang pumasok sa tinatawag na healthcare knowledge process outsourcing (KPO) sector.

Ipinagdiinan pa ng kalihim na ang trabaho sa KPO ay hindi ang pangkaraniwang nakikitang mga call center, kung saan ang mga ahente ay naka-headseat na may kasamang microphone.

Ayon pa kay Baldoz, napakaraming bakante para sa mga nars sa larangan ng healthcare knowledge process outsourcing (KPO), na hindi kailangan maging call center agent.

Kabilang sa mga trabaho ay ang pag-proseso at pag-aanalisa ng mga kaalaman, impormasyon at technical data na may kaugnayan sa medisina.

Sinabi pa ni Baldoz na bahagi ng kanilang responsibilidad ang magbigay ng payo sa mga bagong nagtapos sa kolehiyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply