Breastfeeding station ikinasa sa Quezon City Hall

BILANG selebrasyon ng Women’s Month at sa pagtalima sa Breast Feeding Act of 1992, ikinasa na kahapon (Marso 30) ng city government ang isang breastfeeding station sa loob mismo Quezon City Hall.

Mawawala na ang pag-aalala ng mga nanay na bitbit-bitbit ang kanilang anak sa kanilang trabaho sa QC Hall dahil may inilaang lugar para sa pagpapasuso sa kanilang mga sanggol.

Pinangunahan ni QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang pagpapasinaya ng naturang istasyon na nasa ground floor lamang ng City Hall na malapit sa legislative wing.

Naroon din sa okasyon si Health Undersecretary Teodoro Herbosa na pinuri ang inisyatibo ng city government sa pagsuporta sa batas ng breastfeeding.

Makakaokupa ang naturang station corner ng mahigit sa 10 nursing mothers.

Bukas ang breastfeeding station mula alas-8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), dapat ang mga sanggol ay napa-breast-fed sa loob ng unang anim na buwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply