Barangay captain binoga, patay sa Albay

PATAY ang isang barangay kapitan matapos barilin ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki sakay ng motorsiklo sa Albay bandang kagabi.

Hindi na umabot pa sa ospital bunsod ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Danilo Satuna y Bertiz, incumbent brgy. captain ng Cabarian, Ligao City.

Sa impormasyon na ipinaabot ng Ligao City PNP, dalawang anggulo ang tinitingnan ng mga otoridad na mabigat na dahilan sa pagpatay kay Satuna na naganap bandang alas-7:00 ng gabi.

Una na rito ang away sa lupa habang ang isa naman ay ang ginawang pag-aresto ng opisyal sa isang Cafgu na posibleng naghiganti sa kanya nang magkaroon ng pagkakataon.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad upang malaman ang tunay na motibo ng pamamaslang at kung sino ang salarin.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply