Brgy. Captain, nagpakamatay sa Agusan del Norte

NATAGPUANG patay ang isang kapitan ng Brgy. Lawigan, sa Tubay, Agusan del Norte na pinaghihinalaang nagbaril sa kanyang sarili gamit ang kalibre .45 pistola.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kaliwang bahagi ng ulo na tumagos sa kanan si Joel Capon, may asawa, ng Purok 3 sa naturang barangay, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Napag-alamang kahapon ng umaga ay dalawang meeting pa ang kanyang dinaluhan sa kanilang barangay hall sa pagitan ng mga barangay tanod at sa mga miyeembro ng lupong tagapamayapa.

Nakauwi pa ito para sa pananghalian ngunit ‘di na nakadalo pa sa ibang meeting pagkahapon.

At nang ‘di na makauwi kinagabihan ay pinaghanap na ito ng kanyang asawang si Tata Capon kung saan natagpuan itong naliligo na sa sariling dugo.

Natagpuan ang baril sa may layong isang metro mula sa bangkay ng biktima.

Inimbestigahan pa ng pulisya ang insidente upang malaman kung wala itong foul play kung saan nakita ang bangkay ng biktima na nasa layong 50-metro mula sa kanilang sariling bahay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply