Brillantes pinagpapaliwanag sa bibilhing PCOS machines

IGINIIT ni Senador Francis Escudero na dapat magpaliwanag sa publiko si Comelec chairman Sixto Brilliantes hinggil sa naging desisyong bilhin ang  PCOS machine ng Smartmatic na gagamitin sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Escudero, mahalagang malaman ng taumbayan kung ano ang naging basehan ng Comelec para magpasya ng ganito.

Gayundin, hindi pa magbibigay ng komento si Escudero kung susuportahan niya o hindi ang hakbang ng Comelec hanggat hindi naririnig ang paliwanag ni Brilliantes.

Nais din malaman ng senador kung ano ang gagawin ng Comelec  para hindi na muling maranasan ang mga naging problema nang gamitin ang PCOS machines noong 2010 elections.

Gayunpaman, sa kabila ng pagkontra ng ilang sektor at grupo sa naging desisyon ng Comelec, suportado naman ito ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Giit ni Enrile, makakatipid ang gobyerno sa pagbili ng PCOS machines at wala naman aniya talagang perpekto sa mundo  at mas mabuti na iyon kaysa bumalik sa lumang pamamaraan o manual system.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply