Broadcaster binoga, sugatan sa Iloilo

SUGATAN ang isang block-time radio broadcaster makaraang barilin ng ng mga hindi nakilalang kalalakihan na nakamotorsiklo at nakasuot ng itim na jacket sa Iloilo, umaga ng Biyernes, Marso 2.

Binaril si Fernando Gabio Sr. habang naglilinis ng kanyang kotse sa labas mismo ng kanyang bahay sa Jaro district, Iloilo City.

Nabatid naman sa asawa mismo ng biktima na nakakatanggap si Fernando ng mga death threat ilang araw bago maganap ang pamamaril.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa binti ang biktima na kaagad naman isinugod sa Iloilo Mission Hospital for treatment.

Nakarekober ang pulisya ng tatlong basyo ng bala ng cal-.45 pistol sa pinangyarihan ng insidente habang nakuha naman ng nakasaksi ang plate number ng motorsiklo na FB-2335.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply