Brownout sa Mindanao magtatagal pa

POSIBLENG magtagal pa ang pagkakaroon ng brownout sa Mindanao kaugnay sa problema sa suplay ng kuryente.

Ayon kay Energy Sec. Jose Rene Almendras, may nakatakdang rehabilitasyon sa Pulangui Hydroelectric Power Plant, isa sa pangunahing pinagkukunan ng kuryente ng rehiyon.

Gagawin ito mula Abril 2 hanggang May 9.

Aniya, isa hanggang dalawang oras na rotating brownout ang nagaganap sa kasalukuyan ngunit posibleng umabot na sa dalawa hanggang apat na oras.

Ngunit may ginagawa na aniyang paraan ang gobyerno upang maresolba ang problema.

Umuupa na sila ng dalawang private power barges na may kakayahang magsuplay ng 200 megawatts, kaya hindi na gaanong mararamdaman ang brownouts.

Sinabi rin Almendras na wala siyang planong magbitiw bilang kalihim ng DOE.

Ginagawa aniya niya ang kanyang trabaho, at sinumang kalihim na maupo sa DOE ay siguradong makararanas ng nararanasan niya sa kasalukuyan.

Matatandaang sinabi nina Akbayan Partylist Spokesperson Riza Hontiveros at Rep. Walden Bello na hindi sila naniniwalang kinakapos na ng suplay ang Mindanao sa kuryente.

Posible lang aniyang may niluluto na naman na kung ano ang gobyerno na pihadong ang masa na naman ang masasagasaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply