Budget sa bagong sasakyan ni PNoy pinamamadali

ISINULONG ng 188 Movement ang madaliang pagpapalabas ng Department of Budget and Management (DBM) sa pondong pambili ng bago at modernong Presidential car para maproteksyunan ang pangulo.

Nakasaad sa House Resolution no. 2191 na kailangan nang makabili ng bagong bulletproof at bombproof na sasakyan upang mapalitan ang binahang sasakyan ng Presidential Security Group (PSG) kaya ang personal na sasakyan na lamang ng pangulo ang ginagamit nito sa araw-araw.

Binabanggit pa sa resolusyon na ang bibilhing sasakyan ay may security features upang mas maproteksyunan ng PSG ang Pangulo sa mga tangkang pag-atake ng international terorrists na gumagamit ng Improvised Explosives Device (IED) bombs upang i-assasinate ang kanilang target.

Ang IED ang ginamit sa magkakahiwalay na pag-atake sa convoy ni Local Government Secretary Jesse Robredo sa Cotabato Cty at sa convoy ni Maguindanao governor Esmael Mangudadatu sa Tacurong City noong nakaraang taon.

Paliwanag ng grupo na maaari namang i-reallign ng DMB ang pondo mula sa savings ng gobyerno na pambili ng sasakyan hindi lamang sa pangulo kundi maging sa mga matataas na pinuno ng ibat ibang bansa na bibisita sa Pilipinas.

Kabilang sa tatlong sasakyan na ginagamit ng Palasyo ay ang dalawang Mercedes Benz W221 S-Class limousine na binili noong 1998 at ang Mercedes Benz S-Guard automible na binii noong 2007 subalit nasira na matapos malubog sa tubig baha noong bagyong Ondoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply