Buhawi nanalasa sa Aklan, 8 bahay nasira

WALONG kabahayan ang nasira matapos manalasa ang buhawi sa Sitio Malogo, sa bayan ng New Washington, Aklan kagabi (Marso 13).

Ayon sa mga residente sa nasabing lugar, nagulat sila nang makaramdam ng malakas na hangin at makarinig ng ugong galing sa dagat.

Kasabay ng naturang tunog at paghangin ang malakas na ulan na humagupit sa mga kabahayan.

Tinanggal ng buhawi ang mga bubong ng mga bahay na dinaanan.

Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa nasabing insidente.

Tinulungan na rin ng lokal na pamhalaan ang mga naapektuhang residente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply