Buhay-reyna ang starlet na nabuntis ng TV host

NAGSAWA na ang starlet sa barya-baryang kinikita sa pagsasayaw at pa-extra-extra sa mga programa sa television kaya pinatulan nito ang TV host na halos tatay nya na. Okey naman ang naging resulta. Bagama’t apat na buwan pa lang ang bata sa kanyang sinapupunan, nagkaroon na siya ng bahay at sasakyan, plus allowance araw-araw courtesy of her papang host.

Wise ang hitad dahil siniguro nitong nasa pangalan niya ang bahay na tinitirhan. Maging ang sasakyan ay nasa resibo nito ang pangalan niya. Kaya kampante siya kahit kabitsina lang ang beauty nya.

Hindi na kailangan ang clue sa blind item nating ito. Abangan nyo na lang kung sino ang inaway o sinugod na tunay na mama ng host at doon ay makikilala ninyo kung sino-sino ang mga bida natin.

***

Mas matimbang ang anak sa kaibigan

SINAGOT ni Batangas Governor Vilma Santos ang balitang tinanggihan diumano niya ang paanyaya ni Manny Pacquiao na mag-guest siya sa show nitong “Manny Many Prizes” sa GMA-7. Paliwanag ng Star For All Seasons, masasagasaan ang shooting niya para sa pelikulang “The Healing” nung araw na ‘yon, at kasabay ng timeslot ng show ni Manny ang show ng anak ni Ate Vi na si Luis Manzano sa ABS-CBN, ang “Kapamilya Deal Or No Deal.”

Hindi naman daw siya tumanggi. Nakiusap siyang sa ibang araw at pagkakataon na lamang. Kaibigan daw naman niya ang boxing champ kaya hindi puwedeng basta na lamang niya itong balewalain.

Mas matimbang pa rin para kaya Gov. Vi ang anak niya. ‘Yon naman ang dapat. Nagpakatotoo lang siya. Kung ‘yung mga fans ay napapaunlakan niya ang mga imbitasyon nito sa kanya, si Manny pa na friend din niya at iniidolo ng mga Pilipino.

For your information Idol Pacman, ang napakalaking network na ABS-CBN ay sila mismo ang naghihintay sa availability ng oras ni Ate Vi. Naiintindihan nila ang obligasyon ng hindi tumatandang aktres sa kanyang constituents. Could you imagine na ang The Healing ay isang taon na yatang ginagawa niya simula ng i-offer ito sa kanya dahil sa ka-busy-han niya sa kanyang trabaho sa kapitolyo.

****

Bagong cover photo ni Bela mas katakam-takam

NASA market na ang bagong cover ng March 2012 issue ng FHM Philippines with Bela Padilla as the cover girl.

Naging kontrobersiyal ang original cover ng isyung ito ng FHM dahil sa umano’y pagiging “racist” ng cover photo kung saan napaliligiran ang Kapuso star ng black models.

Naging usap-usapan ang isyung ito sa buong mundo to the point na naging headline material pa ang dalaga sa broadsheets na The Telegraph sa London at New York Daily News sa Amerika. Maging sa mga pamosong websites sa buong mundo ay naging hot topic si Bela.

See for yourselves kung alin ang mas magandang kuha ni Bela, ‘yun bang unang photo cover nito na inulan ng kontrobersiya o itong pangalawa?

Para sa amin mas katakam-takam itong bago niyang litrato. Hehehe!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari¬† n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply