Bukod sa Noynoying, PNoy, Amboy! CBCP

‘AMBOY’ o American Boy.

Ito naman ang itinaguri ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III kasunod nang pagsang-ayon nitong magkaroon ng maraming sundalong Amerikano sa bansa.

Ayon kay Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi na niya ikinagulat ang naturang pahayag ng pangulo dahil noon pa man ay nakakitaan na niya ito ng pagiging maka-Amerikano.

Bilang patunay aniya, ang Amerika pa nga ang unang bansang dinalaw ni PNoy nang maluklok siya bilang pangulo ng Pilipinas.

Iginiit pa ni Cruz na bagamat sinabi ng punong ehekutibo na tutol siya sa pagbabalik ng US military bases sa bansa ay tila ganun na rin ang nangyayari dahil sa pagpayag nito na dumami ang mga sundalong Amerikano sa bansa.

“Simula’t simula naman he is an American boy!  Simula’t simula naman ang kanyang kandidatura ay suportado ng Amerika!  So, hindi na kamangha-mangha  ang kanyang sinabi na welcome sa kanya ang maraming sundalong Amerikano sa bansa,” ayon kay Cruz.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply