Bunso utas sa pikon na kuya sa Zamboanga

UTAS ang nakababatang kapatid na lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang kuya makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Leonardo Laja, 37, habang ang suspek ay si Lito Laja.

Sa imbestigasyon, habang nag-iinuman ang magkapatid, kasama ang iba pang mga kaibigan nang magkapikunan ang dalawa.

Nang unang batuhin ng biktima ang suspek ay nagalit ito na agad kumuha ng patalim at pinagsasaksak ang nakababatang kapatid.

Agad namang nahuli ang suspek matapos ang krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply