Buntis nagtangkang tumalon sa overpass sa Iloilo

ISANG buntis ang umakyat sa overpass at nagtangkang tumalon sa Valeria-Delgado Sts., Iloilo City.

Nagmistulang shooting sa pelikula ang pangyayari kung saan halos isang oras din bago naibaba ang biktima mula sa overpass kung saan nagkagulo ang mga motorist na nakakita sa pangyayari.

Nabatid sa nakasaksi sa biktima na si Boyboy Fernando, nang kanyang makita na umakyat ng bubong ang babae, kaagad niya itong sinundan at pinigilan.

Agad na tumulong ang mga barangay tanod sa lugar sa pagpigil sa biktima kung saan kanila pa itong tinangkang igapos para hindi makatalon.

Nangailangan pa ng tulong ng bumbero at gamitan ng hagdan para makuha ang babae sa bubong.

Kalaunan, natuklasan na buntis ito ng apat na buwan at maaaring nagkaproblema sa ama ng kanyang anak kaya’t tinangkang magpakamatay.

Dinala naman sa police station number 1 ang babae upang mabantayan sa pangambang maaaring muling magtangka na magpakamatay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply