Bus bumaliktad sa Cebu, 28 pasahero sugatan

PINAGHAHANAP na ng awtoridad ang tumakas na drayber ng bumaliktad na bus, ikinasugat ng kanyang 28 na pasahero sa Cebu City, iniulat ng pulisya ngayon.

Kinilala lamang sa Marshal ang tumakas na drayber ng Calvo bus.

Nabatid na galing sa Cebu ang bus sakay ang 40 pasahero patungo sana sa Toledo City nang hindi na makabuwelo para bumangga sa isang truck bago tuluyang suyurin ang isang pangpang at bumaliktad.

Suwerte namang nasalo ng mga puno ng saging ang bus at hindi tuluyang nahulog sa sapa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply