Business as usual sa Comelec ARMM

MALI diumano ang isinasagawa ng COMELEC sa nagaganap na panibagong rehistrasyon ng mga botante sa Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil sa patuloy na pakikipagsabwatan nito sa mga pulitiko na me kontrol sa mga tinatawag na multiple flying voters at ng mga under-age na kabataan.

Bagamat malinaw ang mandato na ipinahayag ni ARMM OIC Regional Governor Mujiv S. Hataman na linisin ang listahan ng mga botante, sa umpisa pa lamang ay nakitaan na ng mga maling hakbangin ang mga election officer na nakatalaga sa limang probinsya (Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Tawi-tawi at Sulu) at isang syudad (Marawi City) sa ARMM.

Ayon kay Salic Ibrahim, chairman ng Reform ARMM Now, business as usual ang nangyayari sa ARMM hinggil sa pagpaparehistro dahil ang mga pulitiko ay kontrolado ang pagdadala ng mga tao na pipila para magpatala.

Dagdag pa rito, anya, ay ang registration centers ay mga pulitiko rin ang nagtatakda na kadalasan ay sa bahay ng mga pulitiko dinadala ang mga computer.

Meron umanong ilang election officers ang isinasagawa naman ang pagpapatala sa kani-kanilang bahay at tanging mga rekomendado ng pulitiko ang pinapayagang makapagparehistro.

Taliwas ito sa ipinahayag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na magkaroon ng isang malinis at transparent na sistema ng registration, pagdiriin ni Ibrahim.

Sa isang ulat, isang bayan sa Tawi-tawi kung saan ang election officer ay dinala diumano ang computers sa bahay ng pulitiko at doon isinagawa ang pagpapatala ng mga piling tao at hindi nakapasok ang mga taong kilalang kampi sa kalaban ng nasabing pulitiko.

Ang nasabing problema ay kalat diumano sa halos lahat ng areas na pinagdarausan ng registration sa ARMM.

Si Atty. Teopisto Elnas, COMELEC director ng election and barangay affairs department, ay nangako naman na tingnan ang mga nasabing kahinaan at nangakong aksyunan ang problema.

“It is an inherent power of my department to spearhead the holding of registration of voters,” ayon kay Atty. Elnas.

Nangako rin sya na tingnan ang reports hinggil sa pakikipagsabwatan ng mga election officer at mga pulitiko. Dagdag pa niya na ang kanyang departamento ay nagbuo ng komite para mangasiwa sa nasabing registration.

Pero huwag naman sanang “business as usual” ang ipamalas ng mga taga-COMELEC na ang iba ay nakilalang nakikipagsabwatan sa mga pulitiko kapalit ang paghingi ng pabor o kaya ay pagtanggap ng pera para mapahinuhod sila na sundin ang gusto ng mga padrinong pulitiko.

Tulungan naman sana nila ang mga taga-ARMM na maibalik ang tiwala ng karamihan at mabura ang taguri rito bilang “cheating capital” ng Pilipinas.

Hamon nga ni RG Hatman sa kanyang talumpati sa nakaraang election summit sa ARMM na “mamuhunan tayong lahat para sa tunay na reporma sa ARMM.”

-000-

Maraming pulitiko ang naeengganyong gamitin ang tatlong G: guns, gold and goons sa paparating na halalan sa susunod na taon dahil sa  patuloy na pagiging epektibo nito na makatulong sa pagkopo ng kani-kanilang mga posisyon.

Pero teka muna, me isa pang bagong pormula ang isang talunang pulitiko sa ARMM.

Gasgas na yata ito pero sa tingin nya ay mahusay pa ring pamamaraan para makakuha ng pabor o tulong sa kanyang mga target na indibidwal.

Ang pakikipagniig ng isang gabi sa kanyang mga kausap!

Kawawang nilalang at naturingan pa manding kilalang lider-pulitiko pero dahil sa salat ang kanyang kaalamang intelektwal ay katawan na ang puhunan niya sa ngayon.

(Kung me puna o komento ay maaaring ipadala sa adladayo@yahoo.com)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply