Bypassed appointees ni PNoy ipipilit sa CA

TIWALA si Pangulong Benigno Aquino III na makalulusot pa rin sa butas ng karayom ang tatlo niyang Cabinet secretary matapos ma-bypass ng bicameral Commission on Appointments.

“For one reason or another, hindi po naa-approve po ‘yung kanilang confirmation. But the President continues to trust in these Cabinet members and so the President will continue to reappoint them,” ayon kay presidential spokesperson Edwin Lacierda.

Naudlot na makuha nina Justice Secretary Leila de Lima, Social Welfare and Development Secretary Corazon Soliman, Environment and Natural Resources Secretary Ramon Jesus Paje, Tourism Secretary Ramon Jimenez and Interior at Local Government Secretary Jesse Robredo ang matamis na “oo” ng CA.

Ang appointment ni Domingo Lee bilang  Philippine Ambassador to the People’s Republic of China (PROC) ay nangangailangan pa ring makakuha ng “oo” ng komisyon.

Ang CA ay kinabibilangan ng mga miyembro ng Kongreso kung saan ay inaasahan na agad na magsasagawa ng pagdinig sa oras na mag-resume ang sesyon ng mga mambabatas sa Mayo.

Ang cabinet members at iba pang appointees na nabigong makuha ang pagsang-ayon ng CA simula ng mag-adjourn ang Kongreso ay kinonsiderang bypassed at kailangang i-reappoint ni Pangulong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply