Calamansi ng Pinas wagi sa 2012 World Marmalade Championships

SA PAMAMAGITAN ng paggamit sa lokal na produktong kalamansi na binabad sa alak, nakuha ng Pilipinas ang ikalawang puwesto sa ginanap 2012 World Marmalade Championships sa bansang Inglatera.

Sinikwat ni British chief at Bacolod resident Robert Harland ang pilak na medalya matapos na talunin ng isang puntos ni Singaporean Sharon Lee Puay Ming. Ito ang unang psgkakataon para sa Pilipinas na makasali sa nasabing kumpetisyon na nilahukan ng 1,700 residente ng Inglatera mula sa ibang panig ng mundo.

Ang marmalade ay isang produktong preserbatido. Katulad ito ng isang fruit jam kung saan ibinababad ang sangkap ng ilang araw upang makamit ang tamang lasa at aroma.

Ayon kay British Embassy Charge d’ Affaires Trevor Lewis, ang tagumpay ni Harland ay nagpakita sa magandang halimbawa ng pagkakaisa ng Pilipinas at United Kingdom.

Sinabi pa nito na siguradong masarap ang ginawang marmalade ni Harland dahil ginamit nito ang lokal na kalamansi na ibinaba sa inuming brandy upang maging katakam-takam at masarap sa panlasa ng mga hurado.

Ayon naman kay Harland, nabatid niya na maaaring makagawa ng marmalade mula sa kalamansi kaya sinubukan niyang gumawa gamit ang sangkap ng inuming brandy.

Aminado rin si Harland na mahigpit ang nasabing paligsahan dahil sa dami ng kalahok, kaya tuwang-tuwa ito nang malaman na isa siya sa mga nanalo.

Ayon naman sa British embassy sa Maynila, bagama’t hindi kilalang prutas ang kalamansi sa Europa, napansin ng mga hurado ang kakaibang lasa at timpla ng marmalade na gawa sa lokal na kalamansi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply