Caravan bigong makalapit sa opisina ng oil firms

HINDI nakalapit ang transport caravan ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at iba pang militanteng grupo sa target nilang opisina ng mga kumpanya ng langis sa Makati.

Sa report, bigo ang grupong makalapit sa 6750 Building na tanggapan ng Chevron.

Bahagya umanong nagkaroon ng tensyon matapos magtulakan ang mga striker at mga security guard ng Ayala Center nang tangkain nilang pumasok sa parkway drive.

Dahil dito, nagprograma na lamang ang grupo sa kanto ng Ayala Avenue at Parkway Drive habang nakabantay ang mga security guard at pulis.

Dakong 11:00 ng umaga nang marating ng may 100 raliyista sa Ayala Avenue na nagmartsa mula sa National Housing Authority (NHA) sa Quezon City at tumahak sa Edsa, na ineskortan ng mga motorcycle rider ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Unang nagsagawa ng programa ang grupo sa harap ng NHA kung nag-“noynoying” o pag-upo sa kalsada.

Binatikos din ni PISTON national president George San Mateo sina Pres. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III at MMDA Chairman Francis Tolentino.

Aniya, hindi kagagawan ng kanilang strike ang pagkansela sa klase ng ilang eskwelahan ngayon.

Mali umano ang impormasyong ibinigay ni Tolentino dahil hindi naman sila nagdeklara ng welga o tigil-pasada kundi caravan lang.

Ani San Mateo, ilang miyembro nila ang hindi pumasada bilang pakikibahagi sa caravan ngunit hindi ito sapat upang malumpo ang transportasyon sa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply