Cardinal Sanchez pumanaw na sa edad na 92

KINUMPIRMA ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na pumanaw na kahapon ng umaga (Marso 8) ang isa sa tatlong kasalukuyang cardinal ng Pilipinas na si Jose Cardinal Sanchez sa edad na 92.

Dahil sa pagpanaw ni Sanchez, dalawa na lamang ang buhay na cardinal ng Pilipinas sa katauhan nina dating Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales at dating Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.

Ayon kay CBCP spokesman Monsignor Pedro Quitorio III, sumakabilang-buhay si Sanchez dakong 5:00 ng madaling-araw sa Metro Manila.

Ayon kay Quitorio, nagsilbi si Sanchez sa mataas na posisyon sa Holy See at nagretiro bilang obispo sa edad na 80 ngunit nanatili pa rin ito sa Roma bago bumalik sa Pilipinas.

“Siya ay nakadestino bilang head ng department sa Vatican. Nang nag-retire siya, nag-stay siya sa Roma at bumalik sa Pilipinas,” kuwento ni Quitorio.

Sa ngayon umano ay isinasapinal pa ang mga plano sa magiging burol at libing ng Cardinal.

Nabatid na si Sanchez ay isinilang noong Marso 17, 1920 sa Pandan, Catanduanes at naging pari noong Mayo 12, 1946.

Naordinahan siyang obispo noong 1968 at naging cardinal noong Hunyo 28, 1991.

Naitalaga siyang prefect ng Congregation for the Clergy, at pangulo ng Administration of the Patrimony of the Apostolic See noong Hulyo 1, 1991.

Nagbitiw siya sa naturang pwesto noong Hunyo 15, 1996 at naitalaga namang cardinal-priest ng S. Pio V a Villa Carpegna noong 2002.

Si Sanchez ay panglima sa anim na Filipino cardinals na na-produce ng Pilipinas mula sa panahon ni Pope John XXIII.

Bukod kina Sanchez, Vidal at Rosales, ang tatlo pang Cardinal na mula sa Pilipinas na pumanaw na rin ay sina Rufino Cardinal Santos (1908-1973), Julio Cardinal Rosales (1906-1983) at Jaime Cardinal Sin (1928-2005). Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply