Cargo vessel tumagilid sa Catanduanes

KASALUKUYANG kinaku-quatrantine ang 23 tripulante na kinabibilangan ng anim na Filipino  matapos magkaaberya ang isang cargo vessel habang naglalayag sa karagatan na sakop ng Catanduanes.

Ayon sa ulat ng Coast Guard Station sa Albay, may dalang nickel ore ang nasabing cargo vessel mula sa Indonesia at patungong Red China nang bahagyang tumagilid ito.

Nabatid na nakarating na sana ang barko sa Catanduanes pero bumalik ito nang bahagyang tumagilid dahil sa malakas na hampas ng alon at posibleng maling pagkakarga ng mga nickel ore.

Ayon sa PCG, papayagan ding maglayag ang nasabing barko sa oras na maayos ang sitwasyon nito, pero sa ngayon ay mananatili pa muna sa Albay Gulf ang mga tripulante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply