Carjackers umatake sa Makati City

MULING umatake ang sindikato ng carjackers matapos mabiktima ang isang driver ng kompanya ng rent-a-car sa Makati City kahapon (Marso 12).

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, ang insidente ay naganap dakong 4:00 ng hapon habang ipinagmamaneho ng biktimang si Melchor Manalo, 39, ang tatlong lalaki na rumenta ng sasakyan.

Sinabi ni Manalo, na magpapahatid sana ang mga suspek sa Diosdado Macapagal International Airport ngunit nagbago ang isip at nagpahatid na lamang sa Subic ang mga ito.

Habang bumibiyahe sila sa kalagitnaan ng SCTEX, nagpaalam ang mga suspek na iihi sila ngunit laking gulat na lamang ni Manalo nang tutukan siya ng baril.

Sa tindi ng takot na mapatay, sinunod ng biktima ang mga suspek.

Tinangay ng mga suspek ang sasakyan pati na ang wallet at tatlong cellphone ng biktima.

Natagpuan ng awtoridad si Manalo na may mga sugat sa mukha at may bakas ng mahigpit na pagkakatali ng straw at packaging tape sa kanyang mga paa, bibig at mata, sa isang bahagi ng expressway.

Dinala muna ang biktima sa Floridablanca Police Station bago isinugod sa ospital ng Flordiablanca, Pampanga.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng manhunt operation ang awtoridad para sa ikadarakip ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply