Carmelo kayod-kalabaw

NASA injured list pa rin sina Amare Stoudemire at Jeremy Lin kaya naman kayod-kalabaw pa rin si star player Carmelo Anthony upang iangat ang New York Knicks kontra Orlando Magic, 108-86 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Bumira ang Knicks ng 21 straight points sa third quarter sa pangunguna ni Anthony upang ilista ang 26-25 win-loss slate ng New York at manatiling matigas na naka-puwesto sa top eight ng Eastern Conference.

“Right now, with the coaching change, we’ve been playing extremely well,” sabi ni Anthony na tumikada ng 25 puntos, anim na assists at limang rebounds. “Guys seem to be responding pretty well. We’ve been really locked in on our mission right now.”

May nabugang walong panalo sa siyam na laro ang Knicks simula ng mag-take over si interim coach Mike Woodson.

“I said this at the top, as a coach I’m always interested in when you’re short-handed who’s going to step up and make plays? And we’re getting it from everybody and that to me is a sign of a good, quality team that wants to win,” sabi ni New York coach Woodson na pumalit mkay Mike D’Antoni may tatlong linggo na ang nakalipas.

Gumawa rin ng 25 points, pitong rebounds at apat na assists si Knicks point guard Iman Shumpert habang ang kanilang bench players na sina Steve Novak at J.R. Smith ay nakapag-ambag ng 16 at 12 markers ayon sa pagkakasunod.

Si Jameer Nelson naman ang top scorer sa Magic na may tinikadang 17 pts., four assists at dalawang rebounds habang si ace player Dwight Howard ay nagkamada ng 12 markers, limang boards at tigalawang assists at steals.

Samantala, sinuwag ng Chicago Bulls ang Atlanta Hawks, 98-77 habang nilupig ng Boston Celtics ang Utah Jazz, 94-82.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply