Cashier ng Shell gas station tigok sa saksak

PATAY ang isang cashier ng isang gasoline station ng Shell nang pagsasaksakin ng tatlong hindi nakikilalang holdaper sa R-10 Vitas,Tondo, Maynila kaninang alas-tres ng madaling araw.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Silverio Barbin Jr., residente ng Asuncion Ext.Tondo, Maynila sanhi ng tinamong anim na tama ng saksak sa kanyang katawan.

Inilarawan naman ni SPO2 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section ang mga salarin na nasa edad 28-30, may mga taas na 5’3-5’8, pawang semi-kalbo ang buhok, may mga pangkaraniwang pangangatawan at mga armado ng patalim.

Sa imbestigasyon, nililinis ng biktima ang cashier booth nang dumating ang mga salarin na agad nagdeklara ng holdap.

Tinangkang manlaban ng biktima kaya’t pinagsasaksak siya ng isa sa mga holdaper.

Sumaklolo naman si Rodrigo Isod, gasoline boy, ngunit isa naman sa mga holdaper na may hawak na water gun, na may lamang hindi malamang kemikal, ang nag-spray sa kanyang mata kaya siya nahilam.

Mabilis na nilimas ng mga suspek ang laman ng cashier box sa booth na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga bago tumakas sa direksiyon ng Aroma Temporary Housing sa R-10 Vitas, Tondo, Maynila.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply