Casino magdadala ng problema sa bansa — arsobispo

MAGDUDULOT ng maraming negatibong epekto at problema ang mga casino sa bansa.

Ito ang babala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa pamahalaang Aquino kasunod nang planong pagtatayo ng multi-bilyong “Entertainment City” project sa Maynila.

Ayon kay Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na kilala sa pagiging anti-gambling crusader, kung matutuloy ang planong pagtatayo ng naturang proyekto ay labis itong makaaapekto sa mga mamamayan.

Sinabi ni Cruz na naniniwala ang Simbahang Katolika na ang sugal at pagkalulong dito ay walang maidudulot na mabuti kundi makasisira sa moral ng mga mamamayan.

Matatandaang plano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na magtayo ng Las Vegas-style casino facility sa Maynila.

Naniniwala naman si Tourism Secretary Ramon Jimenez na makatutulong ang naturang plano para makamit ang target nitong makahikayat ng 10 milyong turista taun-taon na bibisita sa bansa hanggang sa taong 2016.

Bukod sa gambling hubs, magkakaroon rin ang 120-hektaryang Entertainment City ng mga luxury hotels, malls, museums, cultural centers, sports arenas, residential villages at theme parks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply