Casio, Santos nanguna sa All Star voting

SINA Petron star big man Arwind Santos at  top rookie pick JV Casio (Powerade) ang nangunguna sa botohan para sa magiging starting five sa PBA All Star Weekend.

Batay sa ulat, nangunguna si Casio sa botohan para sa Rookies, Sophomores, Juniors Team na may 30,544 na boto.

Halos 1,000 ang lamang ni Casio sa pumamangalawa na si Paul Lee ng Rain or Shine.

Sa mga beterano naman, nangunguna si Santos na may 28,821 boto. Lamang si Santos ng 6,000 boto kay Marc Pingris ng B-Meg na siyang pumapangalawa.

Mayroon pang isang linggo para makabato ang mga fans para sa kanilang mga idolo.

Ang mga mananalong player sa botohan ay makalalahok sa All Star Festivites na gaganapin sa ikalawang linggo ng Mayo.

Bisitahin ang PBA website para sa impormasyon ukol sa botohan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply