CBCP kay Sen. Miriam: Watch your word!

PINAALALAHANAN ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Senadora Miriam Defensor-Santiago na mag-ingat sa pagbibitiw ng salita.

Ito’y matapos makapagbitaw ng hindi magandang salita ang senadora sa mga miyembro ng prosecution panel sa isinasagawang impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona kamakailan.

Ayon kay Father Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth (ECY), dapat maging mapagnilay at mapanuri ang senadora sa mga bibitawang salita lalo pa’t napapanood siya ng sambayanang Filipino lalo na ng mga kabataan.

Ayon kay Garganta, nararapat na magsilbing modelo sa mga kabataan at sambayanan ang mga halal na lider ng bansa lalo pa’t malaki ang paggalang at tinitingala sila ng taong bayan.

Iginiit ng pari na dapat manatili sa isang lider ang kabutihang asal lalo na sa pananalita at paghahayag ng kanyang nararamdaman.

Binigyang-diin nito na dapat mangibabaw sa lahat ng oras ang paggalang sa digdinad ng isang tao maging ito’y isang kriminal o napabilang sa sektor ng mga maralita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply