CBCP nagalit sa malaswang larawan ni Hesus sa FB

IKINAGALIT at mariing kinokondena ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga kumakalat na malalaswang larawan ng Panginoong Hesukristo sa Facebook.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng CBCP, hindi gawain ng mga taong may maayos na pag-iisip ang pambabastos sa imahe ng Panginoon.

Binigyang-diin ni Palma na dapat igalang ng mga lumapastangan sa nasabing mga larawan ang pananampalataya ng mga Katoliko at pairalin ang kanilang konsensya.

Gayunman, sinabi ni Palma na ipinagdarasal niya ang mga taong gumawa ng hindi maganda sa imahen ni Hesus upang mapagtanto ng mga ito na mali ang kanilang ginagawa.

Aniya, kung nagawa ng mga ito sa Panginoon ang ganoon ay lalong kaya nilang gawin ang ganito sa kanilang kapwa.

“I am praying for them na sana they would realized na mali ang kanilang ginagawa! Kung nagawa nila ito sa Panginoon how much more sa kanilang kapwa! Sana igalang nila ang ating Pananampalataya!” wika ni Palma.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply