CBCP official ‘di bilib sa destab plot vs PNoy

HINDI naniniwala ang pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ayon kay CBCP president at Cebu Archbishop Jose Palma, isa siya sa mga hindi naniniwala sa naturang plano at umaasa siya na hindi na kakalat ang ganitong “kuwento,” kahit pa mismong si Pangulong Aquino na ang nagbunyag nito.

Nanawagan din ang CBCP official sa publiko na huwag kaagad magpaapekto sa naturang ulat at sa halip ay pagmunian ang kasalukuyang pampulitika ng bansa.

“Let’s just don’t believe on such reports immediately. As you know, it’s very susceptible to believing that it’s true or there is really (a coup plot),” aniya.

Nauna rito, maging si Senator Antonio Trillanes IV ay nagsabi na ilang retiradong military officers ang umano’y nagre-recruit ng mga aktibong personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang pabagsakin ang administrasyon.

Gayunman, sinabi ni Palma na kung totoo man ang naturang ulat ay tiyak na magbibigay ito ng negatibong epekto sa bansa.

Kaugnay nito, naniniwala naman si Malolos Bishop Jose Oliveros na ang planong destabilisasyon sa pangulo ay patunay lamang na hindi nito kayang pag-isahin ang mga Filipino.

Bagamat wala pang ulat na natatanggap ang mga obispo hinggil sa destababilisasyon laban sa Pangulo, sinabi ni Oliveros na kung totoo mang may mga tao na nagnanais na paalisin sa pwesto ang pangulo, ito ay dahil hindi sila kuntento sa pamamahala nito sa bansa.

Pinayuhan pa ng obispo si Pangulong Aquino na kung talagang gusto nitong pag-isahin ang mga Pinoy ay dapat pakinggan nito ang boses ng nakararaming mamamayan at hindi ang kanyang kagustuhan lamang.

Ayon kay Oliveros, maraming isyu sa bansa na tanging Pangulo ang nasusunod at hindi ang mamamayan gaya na lamang sa pagsusulong nito sa Reproductive Health Bill na mariing kinukundena ng Simbahang Katolika.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply