CBCP sa mga bagong abogado: Paglingkuran ang mahihirap

HINAMON ng isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga bagong pasang abogado ng bansa na paglingkuran ang mahihirap at hindi magpayaman lamang sa pamamagitan nang paglilingkod sa mayayamang nagmamay-ari ng mga malalaking negosyo at korporasyon sa bansa.

Ayon kay Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng CBCP, malaking hamon sa mga bagong abogado na pagsilbihan ang bayan lalo na ang mga maliliit na tao at hindi para magpayaman.

Sinabi ng pari na dapat na malaman ng mga bagong abogadong ito na higit silang kailangan ngayon ng mga mahihirap lalo na yaong pinagkaitan ng katarungan.

Kahapon (Martes, Pebrero 29), inianunsiyo na ng Korte Suprema ang mga bagong abogado na nakapasa sa 2011 Bar Examinations na umabot sa 1, 913 o 31.95% ng kabuuang 5,990 law graduates na kumuha ng pagsusulit.

“Magandang pagkakataon ito para manawagan sa mga bagong abogado na sila’y maglilingkod talaga para sa pagpapatupad ng batas at katarungan at hindi lamang para kumita ng pera. Kasi isa sa mga profit profession ang pagiging abogado,” ayon kay Gariguez, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply