CCT fund gamitin vs tuition fee hike

HINILING ni Rep. Winston “Winnie” Castelo (Liberal Party, Second District of Quezon City) sa administrasyong Aquino na gamitin ang ibang bahagi ng P40.2 billion ng 2012 conditional cash transfer (CCT) program para  maibsan ang epekto sa pagtataas ng matrikula ng mahigit sa 300 private educational institutions sa bansa.

Ayon kay  Castelo, dapat  gamitin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), CCT program ng ilang bahagi ng  CCT fund upang panustos sa mga pangangailangan ng mahigit limang milyong mahihirap na mamamayan para sa edukasyon.

Iginiit ni Castelo na  kung  wala ng kapangyarihan ang Commission on Higher Education (CHED) para hadlangan ang kagustuhang itaas ang matrikula sa mga  kolehiyo sa bansa  ay  dapat lamang na magbigay  lunas  ang  administrasyong Aquino sa mga kinakaharap  na  suliranin sa bansa partikular  na sa  pag-aaral.

Ito ay matapos na inamin ni  CHED chair Patricia Licuanan na wala  silang magagawa upang  pigilan ang  tangkang  pagtataas ng   matrikula ng mga kolehiyo sa bansa

Sinabi ni Castelo  ang  pagbibigay  suporta  sa  mula  sa  CCT  fund  ay  idaan sa pamamagitan  ng pagbibigay  ng   scholarship grants   sa  mga  deserving   college  students  na  sakop sa   Pantawid sa Pamilyang Pilipino PROGRAM (4Ps), na mas kilala sa CCT program.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply