‘CCT huwag bahiran ng pulitika’ — DILG

MAHIGPIT na ipinagbawal ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paglalagay ng mga pangalan at larawan ng mga lokal na opisyal sa mga poster o streamer ng Conditional Cash Transfer (CCT) o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Nakasaad sa Memorandum Circular No. 2012-44 na ipinalabas ng DILG, malinaw na ang CCT ay isang programa ng gobyerno at hindi ng mga politiko.

Una nang lumabas ang balita na ginagamit umano ng mga politiko sa pamumulitaka ang nasabing programa ng gobyerno.

Nagkalat ang mga larawan ng politiko na nakabuyangyang sa iba’t ibang barangay, eskuwelahan at maging sa kanilang mga sasakyan.

Sa ilalim naman ng DILG Memo Circular No. 2010-101 na ipinalabas noong Setyembre 23, 2010, ipinagbawal sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno na maglagay ng kanilang pangalan, initials, litrato o imahe sa mga billboard at signage ng lahat ng government programs, projects at properties.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply