CCT program ng Aquino admin ipinatitigil

HINIMOK ni Antipolo Auxiliary Bishop Francis de Leon ang administrasyong Aquino na itigil na ang Conditional Cash Transfer (CCT) program nito.

Ang pahayag ni de Leon ay bunsod ng ulat ng Social Watch Philippines na pinagmumulan ng away, kaguluhan at inggitan ang pamamahagi ng pamahalaan ng CCT sa mahihirap na pamilya.

Ayon kay de Leon, mas makabubuting itigil ang pamimigay ng CCT at alamin ang problema nang masolusyunan ito.

Dapat rin aniyang maiwasan ang pagsasakitan ng mamamayan sa kakaunting halaga na pansamantala lamang.

Magugunitang sinabi ng Malakanyang na hindi nila maaaring pagbigyan ang hirit ni Senador Ralph Recto na ibaba sa 10-percent ang Value Added Tax sa mga produktong petrolyo dahil sa CCT.

Ayon sa pamahalaan, kailangan nila ang VAT sa mga produktong petrolyo para pondohan ang CCT program ng gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply