CCTVs sa sanglaan, money changers sa Pasay iniutos

PINALALAGYAN na rin ng lungsod ng Pasay ng mga close circuit television (CCTV) camera ang lahat ng mga bahay-sanglaan, money changers, money transfer o courier service at gasoline stations na makatutulong sa paglutas ng mangyayaring krimen.

Nauna nang inaprubahan ni Pasay City Mayor Tony Calixto ang ipinasang Ordinance No. 4532 na inakda nina Konsehal Arvin Tolentino at Mary Grace Santos na nag-aatas sa  lahat ng bangko at bus terminal na maglagay ng sarili nilang CCTV bilang proteksiyon at seguridad sa depositors at commuters.

Matapos ipatupad ang ordinansa, inatasan na rin ni Calixto ang lahat ng mga

nagmamay-ari ng naturang establisimiyento ng maglagay din ng kanilang sariling CCTV.

Ang hindi aniya tatalima sa naturang kautusan ay posibleng masuspinde o tuluyang mabawi ang business at mayor’s permit.

Naniniwala ang alkalde na malaking tulong sa paglutas sa nangyayaring krimen ang paglalagay ng CCTV camera at nagiging daan din ito upang magdalawang-isip na gumawa ng krimen ang mga masasamang elemento ng lipunan.

Pinasusuri na rin ni Mayor Calixto sa hepe ng Pasay Business and Licensing Office ang lahat ng mga establisimiento kung sumusunod ang mga ito sa umiiral na ordinansa hinggil sa paglalagay ng sarili nilang CCTV.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply