Centennial herbal juice drink

MISYON AKSYON, masugid po akong tagasubaybay ng inyong kolum at isa po akong may sakit na malubha nais ko po sanang  humingi ng tulong ukol sa aking kalagayan.

Sa madaling salita, ang aking pamangkin na taga-Kalookan ay nakabili ng herbal drinks na “Centenial  Herbal Juice Drink” na naka-lagay sa isang plastic ng mineral water na 500 ml. Katunayan po, nakalagay sa kaniyang label ay may 25 limang iba’t ibang klase ng halamang gamot at limang uri ng prutas at sampung uri ng iba’t ibang klase ng gulay na ginawang juice.

Nakasaad ang tamang pag-inom na 3 beses isang araw at ayon po sa kanila hindi ito nakao-overdose dahil mga halamang gamot  na  prutas at gulay na kanilang pinaghalo-halo kaya naging isang juice.

Misyon aksyon, ito po ang aking katanungan: ‘di po ba kahit anong bagay o iniinom na gamot ay may sapat na dosage?

Dahil sa sinabi nila na walang overdose ay sinunod ko po. At sa kagustuhan na gumaling ako ng mabilis ay dinamihan ko po ang aking ininom ngunit wala naman pong nangyari sa akin sa loob ng isang linggo. Napansin ko agad ang pagbabago ng aking katawan na maganda ang pakiramdam at guminhawa at sumigla ako. Hangad ko na magkaroon ng magandang epekto sa kalusugan. Umaasa po ako sa maganda ninyong payo.

Gumagalang
Mr. Jose Makusog

Paging management Centennial Herbal Juice Drink. Mukhang may  isa kayong consumer na nag-aalala  sa kaniyang iniinom ng herbal  juice. Una ay may malala siyang karamdaman at sa kagustuhang gumaling ay agad-agad itong uminom, at sinunod ang kanyang sariling prescription at sa paliwanag ng inyong nabentahan
sa kabila na wala pa itong approval o permit mula sa Food and Drugs Administration na nakalagay sa inyong label.

Sana mailagay ninyo ang lahat ng kailangang impormasyon ng inyong produkto dahil maselan at sinasabi ninyong gamot ito sa sakit. Kahit na may  patotoo ito na nakapagpapagaling siya. Umaasa po ako sa inyong kasagutan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply