Grand Central sa Caloocan nasusunog

PATULOY na nasusunog ang ilang bahagi ng Ever Gotesco Grand Central Mall sa Caloocan City ngayon.

Hindi pa rin naaapula ang sunog na nagsimula pa bago mag-alas-10:30 kagabi (Marso 16).

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa ground floor sa isang tindahan ng sapatos.

Hirap ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa kapal ng usok at kinailangan pa nilang magsuot ng oxygen masks.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP.

Hindi naman apektado ang biyahe ng LRT 1. Iniba na lamang ang daanan ng mga pasahero paakyat at palabas ng LRT station na nakadikit sa nasusunog na mall.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply