Charice kailangan ng suporta sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards

KAILANGAN ni international singing sensation Charice Pempengco ng suporta ng mga Filipino at maging sa mga foreign fans.

Nominado kasi si Charice sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards, sa ilalim ng kategoryang Favorite Asian Act, na isang Asian-exclusive category ng nasabing sikat na patimpalak.

Makakalaban ni Charice ang ilang Asian popular music acts na kinabibilangan ni Agnes Monica ng Indonesia, Wonder Girls ng Korea at Yuna ng Malaysia.

Ang mga fans ni Charice sa North at Southeast Asia ay may opurtunidad na suportahan siya sa pamamagitan ng pagboto sa Nickelodeon’s digital outlets, including Nick.com, Nick Mobile app.

Pwede rin sa Nickelodeon’s Facebook page at Twitter feed.

Last February 28 nagsimula ang botohan.

Ngayong taon ay nasa ika-25 taon na ang Nick Awards na gaganapin sa USC’s Galen Center, Los Angeles, sa March 31. Iho-host ito ni Will Smith.

Ieere naman ito sa Nickolodeon channel sa April 14, 8 p.m.

Sa mga fans ni Charice: Boto na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply