Chavez Jr. kinasuhan sa paglalasing

PORMAL nang kinasuhan si WBC middleweight champ Julio Cesar Chavez Jr., anak ng alamat na si Julio Cesar Chavez, na nag-ugat sa pagkakaaresto niya habang nasa impluwensiya ng alak kamakailan.

Sa pagkakataong ito umano ay kinailangang mapatunayan ni Chavez na inosente siya dahil kung hindi ay isaswak siya sa kulungan.

Nagdesisyon ang L.A. City Attorney na sampahan si Chavez ng tatlong misdemeanor charges, dalawa para sa pagmamaneho nang lasing at isa para sa pagmamaneho ng walang lisensya.

Sakaling mahatulan ay maaari siyang makulong ng hanggang isang taon at pagmultahin ng $1,000.

Ngayong buwan ay muli siyang haharap sa hukom para sa pormal na paglilitis ng mga kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply