Cheaper Medicines Act sinasabotahe

PANANABOTAHE umano ng pharmaceutical company ang nakikitang dahilan ni Senador Manny Villar kaya hindi umano epektibo ang apat na taong implementasyon ng Cheaper Medicines Act.

Base sa isinagawang pagdinig ngayon ng Senate committee on trade and commerce na pinamumunuan ng senador, napagdiskitahan nito ang Department of Health (DOH) dahil wala itong naipakitang malinaw na pigura kung gaano kaepektibo ang Cheaper Medicines Act na naipasa bilang batas noon pang 2008.

Ayon kay Villar, marami pa rin umano ang hindi nakakabili ng kailangan nilang gamot dahil sa mataas na presyo nito.

Ayon naman sa drugstore association, marami umano ang hindi nakasunod sa itinakdang presyo ng pamahalaan, kaya mataas din umano ang kanilang bili sa mga manufacturer.

Para umano makaiwas sila na lumabag sa itinakdang batas, hindi na lang sila kumukuha ng mga gamot na sakop ng Cheaper Medicines Acts, dahilan para walang mabili ang mga nangangailangan ng murang gamot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply