China hindi gagamit ng puwersa sa Spratlys

KULANG na lang ay magpamisa ang Malakanyang sa naging pahayag ng bagong Chinese ambassador sa Pilipinas na hindi sila gagamit ng puwersa sa Spratlys.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na labis nilang ikinatuwa ang nasabing statement ng Chinese envoy sa harap ng sinasabing pagpapalakas ng military power para maprotektahan ang kanilang teritoryo.

Matatandaang hanggang sa ngayon ay matindi pa rin ang tensyon sa mga pinagtatalunang isla sa West Philippines Sea lalo sa pagitan ng Pilipinas, China, Taiwan at Vietnam.

Sa kanyang talumpati kanina, sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippine Ma Keqing na hindi gagamitin ng China ang kanyang military power para sakupin ang mga bansa sa rehiyon.

Sinabi ng opisyal na naniniwala silang makatutulong ito para humupa ang tensyon sa
rehiyon.

“It will help ease the tension,” ang diing pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply