Chocolate, soda at spicy foods may masamang epekto sa baby

LUMALABAS sa pag-aaral ng Pasay City Health Office na may masamang epekto sa pisikal na pangangatawan at maging sa kaisipan ang pagpapakain ng tsokolate sa mga batang wala pang isang taong gulang.

Bukod sa tsokolate, nabatid ng mga nutritionist ng Pasay City Health Office, na hindi rin dapat pinaiinom ng soda at pinakakain ng spicy foods ang mga batang wala pang isang taon ang edad, dahil masama ang nagiging epekto nito sa kalusugan at nakaaapekto sa paglaki ng sanggol.

Ayon sa mga nutritionist, habang lumalaki ang mga sanggol na laging nakatitikim ng naturang mga pagkain, nanganganib na magkaroon sila ng diabetes o sakit sa puso.

Malaki ang paniwala ni Councilor Santos na ang kakulangan sa kaalaman ng tamang pagkain para sa mga bata ang nagiging sanhi ng malnutrisyon, partikular sa mga batang hindi pa sumasapit sa anim na taong gulang.

Inamin ng konsehal na bahagyang tumaas ang bilang ng mga batang malnourished sa lungsod. Mula sa 2.2% noong taong 2010 ay umakyat ito sa 2.5 ng nagdaang taon batay sa pagsusuri ng nasabing City Health Office.

Gayunman, lubha itong mababa kung ikukumpara sa 7.1% sa Kalakhang Maynila o 27% sa buong bansa.

Bilang bahagi ng programang pangkalusugan at tamang nutrisyon, gatas at hindi tsokolate ang ipamamahagi ng libre sa mga bata na wala pang isang taong gulang sa lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply