Chopper pa ng PAF bumagsak, 4 sugatan

NABAWASAN na naman ang military chopper ng Philippine Air Force nang mag-crash ang isang UH-1H helicopter na ikinasugat ng apat na sundalo, halos dalawang araw lamang matapos pormal na tanggapin ng Defense department ang apat na bagong Sokol helicopter.

Sa report na natanggap ng PAF, isa ang malubhang nasugatan habang tatlong iba pa ang nasaktan nang bumagsak sa Barangay Bangayan, Kitcharao, Agusan del Norte ang UH-1H Huey chopper na may tail number 317.

Napag-alaman na mula sa Davao City ang chopper na may sakay na dalawang piloto, dalawang crew at tatlong sundalo na patungo sana sa Camp Bancasi sa Butuan City para sa flight mission.

Bago pa man makarating ng chopper sa patutunguhan nang makaramdan ng diperensiya sa makina kaya nagpasya ang piloto na ibaba sana pero hindi na niya nakontrol kaya tuloy-tuloy na bumagsak.

Ang mga sundalo ay nagsilbing augmentation force sa inilunsad na operasyon sa Agusan del Norte.

Magugunitang tinanggap ng Philippine Air Force ang unang apat na multi-purpose combat helicopters mula sa  Polish manufacturer na PZL-Swidnik na may kakayahang makalipad at mag-operate sa gabi nitong linggo lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply