CJ Corona ipinakukulong ng health workers

NANINDIGAN ang Health Alliance for Democracy (HEAD) na dapat makulong si Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay HEAD Vice-Chair Dr. Gene Alzona Nisperos, sapat nang katibayan ang dispalinghadong Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at actual bank accounts ni Corona upang patunayang mayroon siyang kasalanan.

Napatunayan na anilang kumita si Corona ng P21.6 million mula 2002 pero kulang pa rin ito kumpara sa kanyang actual bank accounts sa PSBank na nagkakahalaga ng P36.2 million.

Hindi pa kasama rito ang mga pag-aaring nagkakahalaga ng P32 million din.

Kahit hindi na umano bulatlatin ang dollar accounts ni Corona, kitang-kita naman ang ang ebidensiya sa local accounts nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply