CJ Corona pinalalayas sa Supreme Court

PINALAYAS ng House prosecution panel si Chief Justice Renato Corona sa poder ng Supreme Court dahil wala na umano itong moral ascendancy na mamuno sanhi ng kapasyahan ng nakararaming Filipino sa pinakahuling Pulse Asia survey.

Ayon kay Quezon Rep. Erin Tañada na “muling nagsalita ang taumbayan na wala nang puwang ang punong mahistrado na pamunuan ang Supreme Court.”

Tinukoy pa ni Tañada na nananatiling bagsak ang trust rating ni Corona dahil sa patuloy na pagkapit nito sa nakadetening dating Pangulo at ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“Tulad ng dating Pangulo na nakakulong ngayon sanhi ng kasong electoral sabotage at graft and corruption, wala nang nakakagusto, nagtitiwala at hindi na popular ang chief justice,” ayon kay Tañada.

Iginiit naman ni Aurora Rep. Sonny Angara na hindi sila nagulat sa resulta ng survey dahil nakuha na ni Corona ang reputasyon bilang sa pinaka-unpopular na chief justice simula noong 1986 People Power Revolution na nagpatalsik sa diktadurya ni Marcos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply