CJ Corona pinatitigil sa pag-iikot ng prosec

ITIGIL na ang pag-iikot at tumestigo na lamang sa impeachment trial.

Ito ang panawagan ng prosekusyon sa depensa lalo na kay Chief Justice Renato Corona.

“Present witnesses and documentary evidence which will refute the articles of impeachment instead of resorting to a merry-go-round that only blurs the charges against Chief Justice Renato Corona,” ayon kay House Deputy Speaker Erin Tanada.

Binigyang diin ni Tanada na hanggang ngayon ay wala pa ring natitibag ang depensa ukol sa ebidensya ng prosekusyon na hindi isinama ni Corona sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ang ukol sa pag-aari niyang lote at nakadepositong dolyar sa bangko.

Sa panig naman nina prosecution spokesmen, Reps. Miro Quimbo ng Marikina City at Sonny Angara ng Aurora na ang testimonya nina Demetrio Vicente at Supreme Court’s chief disbursement officer Araceli Bayuga ay lalo lamang nagpagulo sa sitwasyon ni CJ Corona.

Si Vicente ay umamin sa cross-examination na siya ay pinsan ni Corona at nakabili sa pitong lote nito sa Marikina City subalit ayon kay Quimbo na sa halip na inilalapit sila sa katotohanan ay inilalayo lamang sila ng testimonya ni Vicente.

Giit naman ni Angara na kapag wala ni-isa man sa mga Corona ang tumestigo “then we can only conclude that the glaring inconsistencies are the hallmarks of a simulated transaction.”

Si Bayuga naman ay nagbigay ng testimonya mula sa Senate Electoral Tribunal at House of Representatives Electoral Tribunal ukol sa milyong pisong sweldo at allowances ni Corona na magpapatunay na may kakayahan itong bumili ng mga ari-arian.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply