Clean air act, clean water act nilabag ng amihan farm

MISYON AKSYON, sana matulungan ninyo kaming mga residente sa Barangay Sto. Cristo dahil ang malinis naming sapa na aming labahan at paliguan ng aming mga anak ay nasalaula na ng isang farm ng babuyan na kilala sa pangalang ‘Amihan farm’ na matatagpuan sa Barangay Sto. Cristo  San Jose del Monte, Bulacan.

Nagsimula ang aming  kalbaryo kapag papasok na ang panahon ng tag-init o  summer dahil doon mo na  makikita  sa maliit na ilog ang mga palatandaan kapag wala ng dumadaloy na tubig kaya mapapansin mo ang nangingitim na  kulay at naglalangis na tubig kasabay ng mabahong hangin na malalanghap kapag ikaw ay daraan sa nasabing sapa.

Kapag gabi naman po, habang natutulog ka magigising ka sa nakasusulasok na amoy galing sa babuyan ng Amihan Farm kaya ang mga nakapaligid na residente ay hindi na makatutulog sa sobrang baho.

Madalas tuloy sinusumpong ang mga may sakit na hika.

Nagsimula po ang problemang ito ng ang isang Mr. Chua pa ang may-ari at sila ang may operasyon po noong libong baboy ang kanilang alaga ka-ya kahit na may hukay silang tapunan ng pinaglinisan ng mga ihi at tae ng kanilang alaga ay agad napupuno ang ka-nilang poso negro.

Kapag umapaw ang mga  duming naipon ay hindi masyadong mapapansin dahil sa lakas ng agos ng tubig mula sa taas ng bundok at kapag summer na po ay doon mo na makikita at maamoy ang mabahong amoy.

Ito  na  po ang  masalimuot,  Misyon Aksyon. Nang malugi po ang nasabing farm  ay nakuha ito ng “ Atlas Corporation” na ang may-ari po ay Intsik. Apat po ang kanilang farm sa buong Bulacan.

Napag-alaman naming mga taga-Barangay Sto. Cristo at Barangay Gaya-gaya  na may paglabag sa Enviromental Impact System Law P. D.1586 Clean Air Act; R.A. 8749, Clean Water Act;   9275. Ecological Solid Waste Management dahil kung magtatapon sila ay walang pakialam  sa kapaligiran kaya tuloy ang mga nasa paligid na mga residente ay nababahala.

Umaasa  po kaming mga  residente ng Barangay  Sto. Cristo at Kaybanban na mabibigyan ito ng aksyon sa pamamagitan ng inyong  ma-lawak na kolum na Misyon Aksyon. Sana’y mabigyan ng solusyon ng mga kinauukulan, lalo  na ang  DENR R-3 at ni Gov. Willy  Alvarado, dahil nalaman namin na isa  siya sa nagsusulong sa paglaban sa mga sumisira  ng kalikasan.

Gumagalang
Mr. Coy ng SJDM

Paging R-3 DENR ENV. Director Lormilyn E. Claudio at BENRO Chief Atty. Rustico de Belen at Gov. Willy  Alvarado. Madam/ Sir, pakiimbestigahan naman po ang ATLAS FARM sa Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan dahil po ang Mayor doon ay inutil ayon sa mga residente.

Walang  aksyon na ginagawa kahit na umaalingasaw na sa baho ang kanyang nasasakupan. Baka nga raw malaki ang kanyang  nakukuhang pakunsuwelo sa kompanyanAatlas?

Dahil libo-libong baboy ang inaalagaan sa nasabing  farm,  pakisilip na rin po baka hindi sila nagdedeklara kung  ilan ang kanilang alaga para makalusot sa bayarin ng buwis.

May paglabag ang nasabing farm ngunit walang ak-syon ang lokal na pamahalaan.
Kaya, mga sir, aksyon na!

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwagan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply