Clothing allowance ng gov’t employees P5K na

DINAGDAGAN na ng P1,000 ang annual clothing allowance ng mga empleyado ng pamahalaan.

Ito ang inanunsyo ngayon ng Department of Budget and Management.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, magiging P5,000 na ang dating P4,000 allowance.

Sinabi ng kalihim na ito ay patunay na nais na administrasyon Aquino na mabigyan ng sapat na suporta ang mga nagtatrabaho sa pamahalaan at nagsisilbi sa publiko.

Magmumula ang karagdagang P1,000 sa Miscellaneous Personnel Benefits Funds (MPBF), sa ilalim ng 2012 National Budget.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply