Coach Mike D’Antoni binitiwan na ang New York Knicks

NAGBITIW na si  Mike D’Antoni bilang head coach ng New York Knicks.

Batay sa ulat, tinanggap na ni James Dolan, owner ng New York Knicks, ang resignation ni D’Antoni.

Si assistant Mike Woodson ang magiging interim coach ng Knicks.

Ayon sa balita, nagkasagutan sina D’Antoni at Knicks star player Carmelo Anthony matapos ang umugong ang balitang iti-trade nila si Anthony sa New Jersey Nets kapalit ni Deron Williams.

Mariin namang itinaggi ni Dolan ang nasabing balita.

Sumikat ang Knicks nang gawing starting point guard si Jeremy Lin, na susi sa pagkakapanalo ng koponan ng pitong sunud-sunod na ulit.

Walong beses namang natalo ang Knicks noong bumalik si Anthony na nagpahinga dahil sa tinamong injury.

Sa kasalukuyan, nasa ika-siyam ang Knciks sa team standing ng Eastern conference na may 18-24 win loss record.

Samantala, makakalaban ng Knicks ang Portland Trail Blazers ngayong araw.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply