Coach Nate McMillan ng Blazers sinibak matapos matalo sa Knicks

MATAPOS nang masaklap na pagkakadapa kontra New York Knicks kahapon (March 15, petsa sa Pinas), sinipa na ngayon ng Portland Trail Blazers ang kanilang coach na si Nate McMillan.

Ayon kay Blazers President Larry Miller ang pagsipa kay McMillan ay bahagi ng ipinapatupad nilang “overhaul” sa koponan.

Tinambakan ng Knicks ng 42 points ang Blazers (121-79) kahapon.

Nalungkot naman si All-Star forward LaMarcus Aldridge sa pagkakatanggal kay McMillan.

Nagsilbi bilang coach ng Blazers si McMillan sa loob ng anim na season ng NBA.

Ngayong season, ang Blazers ang ika-apat na koponan na nagpalit ng kanilang mga head coach.

Magugunitang sinipa rin ng Sacramento Kings si Paul Westphal, habang pinalitan din ng Washington Wizards si Flip Saunders at nagbitiw naman si coach Mike D’Antoni ng Knicks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply