Coco Martin inuulan ng suwerte

MISTULANG inuulan ng suwerte ang mahusay at gwapong actor na si Coco Martin matapos na makasungkit niya ang limang award mula sa iba’t ibang award giving bodies sa bansa, nitong huli.

Kabilang sa mga nabingwit na award ni Coco ay ang ‘Natatanging Aktor ng Dekada’ mula sa Gawad Tanglaw Awards.

Naiuwi rin niya ang best actor trophies mula sa KBP Golden Dove Awards, PMPC Star Awards for TV, USTV 2012 Awards at Northwest Samar State University Students’ Choice Awards for Radio and Television.

Ang apat na tropeo bilang best actor sa apat na award giving body ay dahil sa mahusay na pagganap ni Coco sa hit TV series na “Minsan Lang Kita Iibigin” katambal si Maja Salvador. Sa seryeng ito gumanap ng dalawang role si Coco.

Ngayon maganda as in bongga ang feedback ng mga manonood sa serye nina Coco at Julia Montes, na “Walang Hanggan.”

Sa latest data mula sa Kantar Media, nakakuha ng 37.5% national TV rating ang Walang Hanggan kumpara sa 15.4% ng katapat na “My Beloved” ng GMA7 kung saan bida ang magdyowang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Ito ba ang dahilan kung bakit simula kagabi (Lunes, Marso 26) ay iniurong na ang oras ng My Beloved? Nagtatanong lang po.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply