Colmenares ipinagkatiwala sa kapwa kongresista

IPINAGKATIWALA na ng Malakanyang sa mga kongresista ang sinasabing banta sa buhay ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.

Matatandaang sinabi ni Colmenares na posibleng may kinalaman ang pagbabanta sa pagsasampa ng kaso laban kina dating Pangulong Gloria Arroyo at Chief Justice Renato Corona.

Pwede rin aniyang may kinalaman sa kanilang pagkontra sa patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bahala na rito ang House leadership at tiyak na bibigyan ng proteksyon ang kongresista kung kanila itong nalaman.

Samantala, siniguro ni Usec. Valte na hindi “ningas kugon” ang ginagawang pagbusisi ng DoE-DoJ Task Force sa libro ng mga kompanya ng langis.

Aniya, nagpapatuloy pa ito at malalaman agad kung tapos na ang pagsilip kung tama lang o may pag-abuso sa presyuhan ng oil companies.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply